had the time to search for old photos and blogs in my OLD friendster account. i happen to bump into this old blog that made me laugh in the first part and teary-eyed in the latter. shared it with my facebook account andgosh, im oh-so-surprised when people gave it an overwhelming attention. (exaggerated right) here it goes,, wanted to save a copy in my new blogspot account. :) hope you learn a lesson as well :) read on..
he proved me wrong
first love never dies. an old saying na sana dati ko pa pinaniwalaan. first year high school, saint angelico… sa ust pay high school, dun nagsimula lahat. may girlfriends nako nun (yung typical group of friends composed of girls lang? labo.) and just like me, meron din xang grupo, puro guys lang din sila. Vertically challenged pa xa nun, funny now that im imagining how he looked like before. But even so, we’re friends. I actually considered him as my 1st boy BESTFRIEND. Everything’s well and fine. Papasok ako sa classroom na yun to have a glimpse of my-then-crush then since friend nya yun, i’ll confide sa kanya. Everything. Every kilig moment, kahit nakakahiya at wa-poise, he’ll know. Ganun ako ka-transparent sa kanya. Ganun lang lagi until one evening, telebabad as usual, I was very eager to know something. How come lahat-lahat alam nya about me,ako hindi? Bakit ako ang dami ko ng na-share sa kanya bakit xa wala? Bakit lagi lang xang nakikinig at ako yung nagsasalita? So I started asking a question na sobrang masarap pag usapan and I know, he’ll share kasi ako nagshare na naman. SINONG CRUSH MO? ooopsss, natahimik. at first kala ko naputol ang line. Hello? sabi ko. Hulaan mo, sabi nya. Aba, mukhang pahirapan pa ito, pero sige, ayos lang makipagpilitan at makipagkulitan. We were thirteen lang ata. Basta, ang hirap na tandaan ng bawat detalye pero in summary, at the end of the conversation, hindi ko xa napiga. Pero di naman dun natapos, nagbigay xa ng clues. Kaya bago matulog kinagabihan, isip ako ng isip. Ang tagal kong nag-isip. Paulit-ulit pa.Bakit? Nakakaasar kasi yung clues na binigay nya, isang tao lang ang naiisip ko. Kahit hirap akong matulog nun, sinabi ko na lang sa sarili ko, bukas malalaman mo na kung tama yang hula mo. The next day, kinuwento ko agad kay Mona (nasaan ka na kaya Mona?). Yung guy bestfriend ko few seats in front of me so ewan ko kung naririnig nya yung mga sinasabi ko kay mona. Uso pa noon yung pasahan ng note na nakalagay sa maliit na papel at ilang ulit pang itutupi para maging mas maliit. Kinulit ko ulit si bestfriend kung sino using that method. Nakatanggap ako ng ganun,galing kay bestfriend siguro. Eh excited ako, binuksan ko agad. Galing kay bestfriend, tingin ko huling clue na sa kung sino yung crush nya. 3rd row, 4th seat. Pagkabasa nun, nagbilang kami agad ni Mona. Ewan ko ba. Parang katulad kagabi, gusto kong ulit-ulitin yung clue kasi tulad kagabi, isang tao lang din yung lumalabas. SABI SAYO IKAW EH! Sinigawan pako ni Mona. Gusto kong sabihin, eh tingin ko nga din ako eh, kagabi pa!Pero di ko masabi dahil ang kapal naman ng mukha ko atsaka basta! PERO HINDI PWEDE! Di ko na din alam yung mga sumunod na nangyari. Ang ending? Aba,totoo nga. At nagalit ako sa kanya dahil sa revelation na yun which in the first place eh kasalanan ko. Tingin ko sa kanya tinalo nya ako. Gabi-gabi tatawag xa samin, pero bababaan ko lang. Mali. Babagsakan pala, ganun ka galit at ganun ako ka-ireasonable. Pero kahit ganun ako, matiyaga pa din xa. Kung anu-ano ng ginawa ko noon, hinamak, dinusta, whatsoever. Alam kong mali, alam kong masama at alam kong nasasaktan sya pero ayun, tuloy pa din ang pagiging maldita ko. At cya, tuloy pa din, sa pagiging mabait sakin. Bawat taon, may improvement naman samin. Mula sa di nag-uusap hanggang sa naging penpals. Naging okay na kami, na-link ako sa iba, nagkacrush din, xa ganun din. 3rd year sabi nya nanligaw xa, pero talagang tingin ko ayoko pa. Di pa pwede. Hanggang sa dumating ang 4th year, kahit na patuloy pa din ang pagiging salbahe ko, hala sige sya sa kabaitan at pagiging pasensyoso. College na, ilang taon ng nakalipas pero tuwing magkikita kami, makapal man ang mukha ko tingin ko meron pa din. Tingin din naman ng mga kaibigan ko ganun din. Hindi na secret yung kung anu man ang meron xa para sakin at kung anung meron ako para sa kanya. Alam ng madla yun. Kaya more or less alam nila kung anong mangyayari and also, during that time, kanya-kanya na kami ng buhay.May girlfriend xa na kahit kami nagulat dahil di naman nya niligawan. At ako, patuloy na naghihintay at nakikipagkapaan sa isang lalake na hindi si bestfriend. Isang party yung inatendan namin. Debut ng common friend namen. Magkahiwalay kami xempre. After party, nag abot kami sa isang kwarto na may terrace at dun kinausap nya ako. Ayokong makipag usap pero ganun na din yung nangyari. Ang hirap. Lalo na’t andun sa kwartong yun yung lalaking kinahuhumalingan ko. At hindi xa yun, noon. Natapos ang pag uusap na yun na tingin ko isang tanong lang ang tumatakbo sa isip ko. AKO PA RIN BA TALAGA? TOTOO NGA KAYA? AT PANO NYA NAKAYANG MAHALIN AKO NG GANUN KATAGAL? Somehow, im expecting that he’ll do something to prove me wrong. Na sana dati pa binigyan ko na xa ng chance?..Pero okay lang. Hindi ko xa mahal.. noon. Senior year sa college.Single xa, ganun din naman ako. Nakakatuwa pero ang galing ng pagkakataon. Mukhang finally magiging okay na kami ulit, yung dating Honneylette at Marco na nagkukulitan lang. Close. nagbabatuhan ng papel na nilukot kahit sa harap ni Sir Porto, our PE teacher. OO nga, naging okay kami. Lalo na nung namatay yung papa ko. Andun si long lost bestfriend ko, gabi-gabi. Sa pangyayaring yun, dun ko napatunayan Kung gaanong sacrifice ang kaya nyang gawin para sakin. Kung gaano ako kaimportante sa kanya. At higit sa lahat, kung gaano nya ako kamahal. Salamat kay reign at rebo, hinampas nila sa mukha ko kung gaano katagal ng anjan si bestfriend ko para sakin. Salamat kay jam na hindi nagkamali na si bestfriend ang tama para sakin. Salamat kay em sa pagpaparealize na maybe, way ni papa yun para bigyan ko ng chance si marco. Salamat kay mama sa pag-screen nya kay marco habang nasa courtship process kami at salamat kay ciedz, alam mo na kung bakit girl. Sa lahat, salamat. Ngayon, ang hirap magsalita dahil di pa naman tapos ang lahat. pero sa totoo lang, okay ako. Contented in a sense na tingin ko wala nakong hahanapin pa. Sabi sakin ng mga friends ko nung nagdebut ako, isa na lang ang kulang sa buhay ko dahil nasakin na lahat. Ngayon, kulang pa din dahil wala na si papa. Pero sa likod ng lahat ng to, alam kong may marco na patuloy na magmamahal sakin kahit anu pang mangyari. Di man tulad ng pagmamahal ng isang ama pero alam ko, masaya si papa kung nasan man sya dahil alam nyang may marco na magpupumilit na punan kung anu man ang nawala at mawawala sa buhay ko. Yang first love never dies na yan.. buti pala talaga di ko xa pinaniwalaan dati. Buti ngayon lang. Dahil kung dati ko pa pinaniwalaan yan, tingin ko, hindi ko maaapreciate ang taong mahal na mahal ko ngayon. =)