Saturday, May 29, 2010

Cant get enough of blogging?


This is insane, i know. But i just created another blog account just for me. Why another account you may ask.. well, i used to write a lot. It all started when I was in elementary and I stopped weeks after I celebrated my 18th birthday since i can no longer keep up with my writing with so many things coming up for me during that time.. ( romantically speaking, yeah, yeah, si BOO na naman,,) (hay nako, tama na nga,, he is so famous na here, dun na lang sa kabilang account ko! hahaha! ^.^' )
para lang sa mga PERSONAL blogs ko ala personal diary, and this blogspot account for sharing reasons.. :)

so i might be blogging less here, and more sa kabilang account since i promised myself to keep myself blogging again, for my own advantages na rin. As stress reliever, and a confidante. Im a secretive person indeed, and sometimes, OR MOST OF THE TIMES, believe it or not, im having troubles whether i should share my thoughts or keep those to my lonesome self na lang. hay,, ang daming secrets ko cguro ang mabubunyag pag namatay ako,, i think i wanna make my family read my diaries and blogs sa wake ko,!!! So FUNNY! parang may pabasa! ahahhhaahha! :) enough of my death wishlist...

basta, if ever you would like to have a glimpse of the more personal side of me, you might want to check out my tumblr account, (yeah, i ought to try tumblr naman, since mukang marami ang satisfied sa tumblr, why not give myself a tumblr account di ba? )

BUt not so soon, it is still under construction,, haha! funny ng term ko!

its http://hunnybunch16.tumblr.com/

P.S.
guys, when you do read intriguing posts or blogs, as a respect naman you dont really share it with other people di ba? or you do share it? nah,,, i dont care...

so there. i'll keep this blog site posted as well though!

<3

Wednesday, May 26, 2010

UST CAT GOLDEN CORPS OF CADETS

Overly-flattered! I am. It's almost 5am, (yeah, blogging during the wee hours!!!) just entered this room, my sister has been admitted, though doctors were not yet sure if she'll be operated or not. Sa E.R.. dun nagsimula lahat...

dinextrose yung kapatid ko, pagtingin ko sa nagdextrose,, PARANG kilala ko to.. sinipat-sipat ko ulit.. tama.. kilala ko xa... pero di ko maalala yung pangalan nya.. kahit yung apelyido nya.. pero sure ako,, 2nd yr hs ako nung nakilala ko xa nung 4th yr hs sya.. oo,, sa CAT training,, meaning,, BRAVO company xa! Bigla ko inisip, sinu-sino nga ba yung mga magagaling sa Bravo noon ( although napamahal naman halos silang lahat sakin) Del Rosario, Dela Cruz, Cuando, Salcedo, Revereza... tama, revereza, xa nga ba yun? alam nyo yung feeling na natatandaan nyo yung name pero yung mukha, hindi? ewan. umalis na yung nurse na lalaki at nagpunta dun sa lounge nila.

Pagkalapit ko kay theng, sabi ko, "di talaga ako pumapalya. kada punta ko dito may nakikita akong kakilala/kilala ako. tignan mo yung nurse na yun? kilala ko yun. YUN. yung papalapit dito"

pag kalapit ng nurse, chineck yung folder ni theng na may laman na cbc/urinalysis nya.. sabay talikod *kurap* harap sakin, sabay turo,, "Honneylette."

Ayos. Napangiti na lang ako. Sabay tungo. Kilala pa rin nya ako. haha! Yabang ko, pero nahiya ako. Shet. Sa taba kong 'to nakilala nya pa ako? Sa ayos kong 'to, namukhaan pa rin nya ako (suot ko yung malaking tshirt ko na tazmanian devil at yung hanggang pwet kong hair eh nakapalumbon lang) Tumingin ako sa salamin. Nakakahiya! Nakita nya akong ganto itsura ko! Pero,, naisip ko, tumaba nga lang naman ako.. eh nung CAT namin, ang itim ko na, ang liit ko pa. okay lang yun.

Maya-maya, kinausap pala nya yung kasama ko, sabi nya," sandali na lang makakapunta na kayo sa room nyo.. Si Honneylette, Assistant Commander namin yan sa CAT" (parang proud pa) EX-O kaya!!! hindi Assistant. Whatever. Haha! At least, KILALA NYA PA AKO. nakakaflatter talaga, hanggang paglabas namin ng E.R. im waiting for him to look my way ulit para makapag-wave goodbye man lang ako. ANd so it happened, nakangiti pa xa. Ang sarap ng feeling. Para akong bumalik sa kahapon na hindi. And for that, im really appreciative sa kung anung nangyari sa buhay ko nung HS.,,, yung CAT Golden Corps of Cadets!


Para sa BRAVO COMPANY 2001, salamat sa memories! :) Da best din talaga kayo. <3

At syo C/Pvt Dylan Revereza, salamat ulit! :) Mabuhay ka! :)