Balik sa topic ko. Naiisip ko tuloy, napakabitter ko sa pagkawala ng tatay ko, Bakit nga naman hindi. 4 years na halos na wala sya, parang hindi pa rin magsink in sakin minsan na wala na Papa ko. Yung napakagaling kong tatay, ika ko nga, Tingin nyo siguro unfair tong blog ko na to esp. yung title is Mothers Day Blues, let me tell you you're wrong. I may be talking about my father the whole time, but he is one of the countless main reasons bakit namin mamahalin ng sobra ang nanay namin. Fyi, nung nabubuhay pa Papa ko, bawat okasyon, bawat pagkakamali ko, kung anu man gusto kong iparating na di ko kayang sabihin ng derecho eh dinadaan ko sa love letter (kaya hobby ko rin ang mangolekta ng maraming stationeries.) Kaya, eto, makikita nyo pano ko sulatan ang tatay ko, hindi nga lang nakasulat sa papel, walang address. Wala kahit email address. pero alam ko, makakarating sa kanya. Gudlak sakin kung magreply ang napakagaling kong tatay.
Dear Papa,
Hay! First of all Pa, ilang beses ko na po tinatanong sayo to, pero di mo naman ako sinasagot... busy ka cguro dyan noh? Okay lang. Tatanong ko na lang ulit, baka sakaling magka time ka, mareplyan mo ako. Pa, bakit mo kami iniwan agad? Alam mo ba miss na miss ka na namin. Alam mo ba, umiiyak pa rin ako pag naiisip kita, lalo na yung masasayang memories mo. ALam mo ba namimiss ko na yung mga ginagawa mo dito sa bahay. Lahat about you. Pati sa pagkain ko, madalas naiisip kita. Ang hirap ngayong wala ka na. Alam mo ba yun? Kita mo ngayon, Mothers Day na naman, pero wala ka. Pano natin mapapakilig at mapapasaya si Mama nyan? Wala ka na,, alam mo ba yun?
Pero alam kong masaya ka naman kung nasan ka man ngayon Papa. Kaya ngayong Mothers Day, magpapaalam sana ako sayo.. katulad last year, at nung mga nakaraang taon na wala ka na, Pwede ba, ako na lang ang magplano kapalit mo? Pwede po ba ako na lang ang mag isip anu gagawin kapalit mo? Ako na rin gagastos, pwede po ba? Pwede ba Pa? Kahit wala ka na? Naalala mo? nung mga last days mo kasama namin, di ba sinabi ko na naman sayo ako na bahala, para sayo? Kahit di ka sumagot, or di ko lang narining dahil sa salamin ng coffin mo? Baka kasi nag aalala ka dyan pano namin gagawin tong celebration na to para sa mahal mong asawa. Wag ka ng mag alala ha? Kami na bahala. Di namin sya pababayaan at lalo namin syang mamahalin. Pramis. Kung gano namin sya kamahal. sigurado, mas mamahalin namin sya ngayon. Wag mo muna mamimiss si Mama ha,, aalagaan muna namin sya. Hindi man kasing tindi ng pag aalaga mo pero, pipilitin naming pantayan yung pagmamahal mo sa kanya Papa.
Mahal na mahal ka namin Papa, at alam kong alam mo naman na hinding-hindi ka namin makakalimutan! Sa lahat ng mga sulat ko sayo,, eto yung lagi kong sinusulat,,, at kahit wala ka na, hindi pa rin nagbabago,,, PAPA,, YOU'RE STILL THE BESTEST FATHER IN THE WHOLE WIDE WORLD!!! Aakapin namin si Mama para sayo bukas.
Till my next letter Pa,, I love you...
P.S. excited nako para sa Father's Day. Paghahandaan ni Mama yan, sigurado. Nga pla pa, pag nagreply ka, wag personal ha! alam mo na kung bakit! hehe!
missing you,
nanette kulet :)
Funny noh. But not so funny. Lalo na if you're in my shoe.
Happy Mothers Day to all moms, lola, aunties and friends na magiging mommies soon! ;)
No comments:
Post a Comment